Pina – iimbestigahan na ni Justice Secretary Vitaliano Aguirre sa National Bureau of Investigation (NBI) at Bureau of Immigration (BI) ang sunod – sunod na tangkang paggamit sa bansa bilang transit point ng mga dayuhang sangkot sa human smuggling.
Binigyang – diin ni Aguirre na walang karapatan ang sinuman na pagkakitaan ang kalayaan at dignidad ng ibang tao sa ilalim ng human smuggling at human trafficking.
Sa record ng Immigration, mula lamang Nobyembre 25 hanggang Disyembre 4, limang (5) dayuhan ang hinarang sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) na sinasabing sangkot sa tangkang human smuggling bilang mga biktima o posibleng sila mismo ang mga recruiter.
Kabilang dito ang Somalian national na si Mohamoud Aden Abdinah subalit sinasabing isang Swedish national na dumating sa bansa noong Nobyembre 25 bilang transit passenger mula Dubai at patungo umanong Kuala Lumpur sa Malaysia.