Aabot sa 35 mga bahay ang naabo matapos lamunin ng apoy sa block 1 lakas tao sa Barangay San Andres, Cainta, Rizal kahapon ng hapon.
Ayon kay Fire Investigator Cicero Compas, nagsimula ang sunog pasado alas-4 ng hapon na umabot sa ikalawang alarma bago idineklarang fire-out alas-6 ng gabi.
Sinabi ni Compas, mabilis kumalat ang apoy dahil gawa sa mga light materials ang mag bahay at nahirapan silang apulahin ang apoy dahil sa direksiyon ng hangin sa lugar.
Wala namang naitalang nasawi at nasugatan pero humihiling ngayon ng tulong ang mga nasunugang residente matapos walang naisalbang gamit.
Ayon sa BFP-Cainta, simula noong Marso, umabot na sa 10 ang naitalang sunog sa nabanggit na lugar.