Nasunog ang isang bahay sa bahagi ng Summerwind Subd., Brgy Burol Main, Dasmarinas City, Cavite na inuupahan umano ng isang Indian National na kinilalang si Narindas Banwait, 40-anyos at pagmamay-ari naman ni Arthur Quijano.
Sa imbestigasyon ng mga awtoridad, napag-alaman na naiwanang nakasaksak na plantsa ang dahilan ng sunog.
Inaalam pa ng mga tauhan ng Bureau of Fire Protection kung magkano ang halaga ng pinaslang naabo matapos ang sunog. —sa panulat ni Angelica Doctolero