Nasunog ang bahagi ng gusali ng Robinsons Magnolia sa Aurora Boulevard sa Quezon City kahapon.
Base sa imbestigasyon ng mga otoridad naitala ang unang alarma at tumagal ng isang oras ang sunog bago tuluyang naapula ng mga tauhan ng Bureau of Fire Protection (BFP).
Sa pahayag ng isang tenant ng mall na si Mary Shawnn Quial, nagsimula ang sunog matapos magkaroon ng usok sa isang exhaust vent sa loob ng department store.
Agad silang nagmadaling lumabas ng mall gamit ang fire exit.
Ayon sa mga bumbero, sumabog pa umano ang kanilang fire hose sa lakas ng pressure nito.
Dahil dito, aabot sa P8-M ang pinsala sa mga ari-ariang naabo sa sunog habang wala namang naiulat na nasawi o nasugatan sa insidente.
Sa ngayon patuloy ang isinasagawang imbestigasyon ng BFP at wala pa ring inilalabas na pahayag ang pamunuan ng mall ukol sa naganap na insidente. —sa panulat ni Angelica Doctolero