Isang commercial building ang nasunog sa Barangay Poblacion, Makati City.
Ayon sa mga otoridad, pinaghihinalaan na isang nag-over heat na home appliaces ang dahilan ng sunog.
Kinilala ng Bureau of Fire Protection (BFP) ang may-ari ng unit na si Shela Gulios kung saan, nasa P15,000 ang halaga ng pinsalang naabo sa sunog.
Wala namang naitalang nasawi o nasugatan sa sunog matapos ang insidente. —sa panulat ni Angelica Doctolero