Nasunog ang isang residential area sa Tondo, Maynila alas-siete kwarenta kagabi.
Ayon sa mga tauhan ng Bureau of Fire Protection, nagsimula ang sunog sa ikalawang palapag ng isang bahay sa block 17 old site Baseco compound sa nabanggit na lungsod.
Umabot sa isang daan ang bilang ng mga bahay na nasunog matapos maitala ang ika-apat na alarma bago idineklarang fire under control alas-otso trenta’y uno ng gabi.
Sa ngayon, nasa tatlong daang pamilya ang naapektuhan ng sunog na ngayon ay pansamantalang naniniharahan sa evacuation center.