Dalawampu’t limang pamilya ang naapektuhan ng sunog sa isang gusali sa Binondo, Maynila.
Mag-a-alas-12:00 nang tanghali kahapon nang sumiklab ang sunog sa Wellington Building na nasa likod lamang ng Binondo Church.
Ayon kay Bureau of Fire Protection-Manila supt. Jonas silvano, batay sa kanilang imbestigasyon, nagsimula ang apoy sa room 401 hanggang kumalat na sa mga kalapit na silid sa ika-apat na palapag.
Pasado alas 2:00 naman ng hapon nang ma-kontrol ang sunog matapos umabot sa ika-limang alarma.
Tinaya sa Limang Milyong Piso ang halaga ng mga napinsala o naabong ari-arian habang inaalam na kung ano ang sanhi ng pagkalat ng apoy.