Pinag-aaralan ng Senate Blue Ribbon Committee na magsagawa ng imbestigasyon sa nangyaring sunog sa gusali ng BOC o Bureau of Customs sa Port of Manila noong nakaraang linggo.
Ayon kay Senate Blue Ribbon Committee Chairman Richard Gordon, ikinukunsidera na nila ang pagsasagawa ng imbestigasyon sa nasabing sunog bagama’t patuloy pa ang kanilang pagangalap ng impormasyon at ebidensiya sa insidente.
Dagdag pa ni Gordon, maaari naman aniyang magsagawa ng imbestigasyon ang Blue Ribbon Committee kahit pa naka-recess ang sesyon ng Kongreso kung kinakailangan.
Magugunitang nasunog ang ikatlo at ikapat na palapag ng gusali ng BOC-Port of Manila noong Pebrero 22 kung saan aabot sa limampung milyong halaga ng equipment at ari-arian ang natupok.