Pinangangambahang tumagal ng 24 oras ang sunog sa isang pabrika ng karton sa Barangay Bagumbayan sa Libis, Quezon City.
Ito’y dahil sa tone-toneladang karton na laman ng pabrika dahilan upang mahirapan ang mga pamatay sunog na apulahin ang apoy.
Ayon sa Bureau of Fire Protection o BFP, nakataas pa rin sa task force bravo ang alarma ng sunog na nagsimula pa alas-9:00 kagabi.
Kasunod nito, inulan ng abo o alipato ang ilang bahagi ng Metro Manila dahil sa nasunog na pabrika.
Naramdamanang tila ash fall sa bahagi ng San Juan, Makati, Maynila, Pasig gayundin sa Mandaluyong City.
By Jaymark Dgaala