Tuluyan nang naapula ang sunog sa loob ng Philippine Economic Zone sa Rosario, Cavite.
Ayon kay Bureau of Fire Protection (BFP) Cavite Provincial Director Superintendent Aristotle Bañaga, ganap na naapula ang sunog 4:34 al kaninang madaling araw.
Nagsimula ang sunog sa dalawang gusali ng House Research Development dakong 9:47 kagabi kung saan nadamay ang katabing gusali ng SCAD Services at umabot pa sa task force alpha.
Dagdag ni Bañaga, wala namang tao nang sumiklab ang sunog sa nasabing gusali.
Samantala, hindi pa matiyak ng BFP ang kabuuang halaga ng mga natupok, gayunman tinatayang nasa 1,000 ang mga empleyado ang apektado nito.
Matatandaang Pebrero ng nakaraang taon nang masunog ang factory sa EPZA compound sa Cavite kung saan marami ang napaulat na nasaktan.