Pinaiimbestigahan ng isang grupo ang nasunog na LPG facility sa Calaca, Batangas dahil sa paniwalang maraming paglabag ang kumpanyang South Pacific Incorporated na may-ari nito.
Ayon sa Fight Illicit Trade Movement, hindi sinunod ng kumpanya ang fire safety protocols at wala umano itong kaukulang permit para mag-operate.
Hindi rin umano nakakuha pa ng kaukulang permit ang South Pacific Inc. mula sa Department of Energy para mag-operate .
Ang sunog na tumagal ng 18 oras noong nakalipas na linggo ay nagdulot ng perwisyo sa mga residente sa lugar kayat napilitang pansamantalang lumikas ang mga ito dahil sa pangambang baka madamay sila sa insidente.
By: Aileen Taliping (Patrol 23)