Isang sunog ang nagaganap sa opisina ng Commission on Elections sa Palacio del Gobernador sa Intramuros, Manila.
Batay sa report ng Bureau of Fire Protection-National Capital Region Public Information Office, nagsimula ang sunog sa ika-7 palapag ng gusali.
Itinaas sa unang alarma ang sunog bandang 6:53pm ng gabi kanina at umabot sa ikalawang alarma bandang 7:02pm.
Sinabi ng BFP na kontrolado na ang sunog dakong 8:05pm ngayong gabi, Hulyo 31, 2022.