Naabo ang 62 bahay sa Barangay Chrysanthemum,San Pedro City, Laguna matapos sumiklab ang apoy sa Sitio Maligaya 6 pasado ala-1 ng hapon nitong Martes.
Aabot sa 130 hanggang 150 ang bilang ng mga pamilyang naapektuhan ng sunog na sa ngayon ay nasa pansamantalang nananatili sa evacuation center.
Ayon kay sa Kapitan ng Barangay na si Resty Hernández, siyam hanggang 12 na silid-aralan ang ipagagamit sa mga biktima ng sunog, kung saan tatlo hanggang apat na pamilya ang mananatili sa bawat kwarto ngunit nakadepende naman aniya sa laki ng pamilya.
Samantala, patuloy pa ang isinasagawang imbestigasyon kaugnay sa tunay na pinagmulan ng sunog at ang kabuuang halaga ng pinsalang naidulot nito.