Posibleng sinadya ang nangyaring sunog sa Star City kaninang madaling araw.
Ayon kay Pasay City Fire Marshall Superintendent Paul Pili, isang kahina-hinalang Twitter post ang ipinakita sa kanila ni ballet dancer Liza Macuja, asawa ng may-ari ng amusement park, na kung saan sinabing ‘Star City will die’.
Nagtataka rin ang mga bumbero kung bakit tila sabay-sabay nagsimula ang sunog sa iba’t ibang bahagi Star City.
Samantala, 6:55 a.m. nang ideklara ng Bureau of Fire Protection (BFP) na fire under control ang apoy.
Pansamantala namang isasara ang Star City sa loob ng isang taon para bigyan daan ang mga konstrusiyon at pagkukumpuning gagawin sa lugar.
Habang ang Manila Broadcasting Corporation na apektado rin ng sunog ay posibleng magbalik-broadcast bukas.