Mahigit 200 bahay ang natupok ng sunog sa Zamboanga City.
Ayon sa Bureau of Fire Protection sa lungsod, umabot sa 2nd alarm ang nasabing sunog sa Purok 3B, Dacon sa Bry Recodo.
Nagdeklara naman ng “fire out” ang mga bumbero pasado alas kwatro ng madaling araw kahapon.
Umabot naman sa 400 ang pamilyang nawalan ng tirahan dahil sa sunog at aabot sa mahigit apat na milyong piso ang halaga ng napinsala sa lungsod.
Samantala, iniimbestigahan pa ang sanhi ng naturang sunog.