Nasunog ang 2 gusali sa isang paaralan sa Caloocan City.
Alas-3:00 kaninang madaling araw nang sumiklab ang sunog sa industrial arts building ng Pangarap Elementary School na ginagamit na tambakan ng mga bagong aklat, upuan at sewing machines.
Kumalat din ang apoy sa katabing home economic building at clinic.
Sinabi ni Arson Investigator Fire Officer 3 Alwin Colianan na tinatayang P300,000 piso ang naabo sa sunog na umabot sa unang alarma at tumagal ng mahigit 1 oras.
Ayon sa guardiyang si Robbie Roldan, nakarinig sila ng tunog ng motorsiklo mula sa paaralan na sinundan ng tila mga putok at pagsabog bago tumambad sa kanila ang nagliliyab nang eskuwelahan.
Dahil dito, iniimbestigahan na ng mga otoridad ang anggulong sinadya ang sunog kung saan walang naitalang sugatan.
By Judith Larino