Mag-ingat sa paggamit ng cellphone charger.
Ito ang ibinabala sa publiko ng BFP o Bureau of Fire Protection kasunod ng sunog na tumupok sa tatlong kabahayan sa Butuan City.
Ayon kay Fire Officer 1 Robert Neil Bohol ng BFP Butuan, nagsimula ang sunog sa tahanan ng mag-asawang Wilfredo at Lucita Luminario sa Purok 10 Tambak, Barangay Upper Doongan.
Isiniwalat naman ni SFO4 Rodrigo Canton na bago sumiklab ang sunog ay nakarinig ang isang residente ng pagsabog mula sa tahanan ng mag-asawa dahil sa umano’y charger na naiwang nakasaksak sa outlet ng kuryente.
Inaalam pa ng mga awtoridad ang kabuuang pinsala ng naturang sunog.
By Jelbert Perdez