50 pamilya o aabot sa 375 ang naapektuhan ng sunog matapos maabo ang 25 bahay sa Barangay Nangka, Marikina City alas-10 ng umaga kahapon.
Ayon sa Bureau of Fire Protection, umabot sa second alarm ang sunog bago idineklarang fire under control.
Sa pahayag ni Senior Fire Officer IV SFO4 Gemar V. Dela Torre, nagsimula ang sunog sa Terrace ng 2-storey house na pagmamay-ari ni Marina Galla.
Wala namang naitalang nasawi o nasugatan sa naganap na sunog pero aabot sa 100K ang danyos na naabo sa sunog.
Samantala, nasunog din alas-10 kagabi ang isang residential area sa kahabaan ng Mother Ignacia st., Brgy. Paligsahan, Quezon City.
Umabot sa ikalawang alarma ang sunog pero patuloy pang inaalam ng mga otoridad ang detalye sa nasabing sunog. —sa panulat ni Angelica Doctolero