Halos kalahating milyong pisong halaga ng ari-arian ang naabo matapos masunog ang gusali ng isang Telecommunications Company (TELCO) sa Mandaluyong City.
Ayon sa Bureau of Fire Protection (BFP), unang sumiklab ang apoy sa ika-anim na palapag ng Globe Telecom Tower 1 sa Pioneer St. corner Madison St. sa Barangay Barangka Ilaya.
Tuluyang naapula ang sunog mag-a-alas-nuebe ng gabi kung saan umabot ito sa ikalawang alarma.
Wala namang naitalang casualties o injury ngunit patuloy pa ring inaalam ang naging sanhi ng pagsiklab ng apoy.