Nasunog ang isang community market sa Bangkok, Thailand, na ikinasawi ng dalawang indibidwal.
Ayon kay Bangkok Governor Chadchart Sittipunt, sumabog ang power transformer mula sa isang tatlong palapag na gusali, dahilan para matupok ito ng apoy.
Kabilang sa mga nasawi ang 35 anyos na Myanmar migrant worker at isang Thai national, na sinasabing na-trap sa loob ng gusali nang mangyari ang insidente.
Sugatan naman ang siyam na katao, kung saan karamihan ay mga bumbero, dahil sa smoke inhalation.