Sunog sumiklab sa isang residential area sa Caloocan City
Nasunog ang isang residential area sa Barangay 120 ,Gracepark, Caloocan City, kagabi.
Ayon sa Bureau of Fire Protection, itinaas sa ikalawang alarma ang sunog bago mag-alas 8 ng gabi, at idineklarang under control matapos ang isang oras.
Wala namang napaulat na nasawi o nasugatan sa insidente.
Patuloy na inaalam ng mga otoridad ang sanhi at kabuuang halaga ng pinsala ng sunog.