Isang sunog ang sumiklab sa isang residential area sa E. Rodriguez Street sa Barangay 144 sa Pasay City kagabi.
Itinaas ng Bureau of Fire Protection ang unang alarma dakong 7:27 ng gabi at bandang alas-7:50 ng gabi naman nang iakyat ito sa ikatlong alarma.
Dakong 9:16 nang gabi nang ideklarang ”under control” ang sunog at wala namang napaulat na nasugatan o nasawi sa insidente.
Aabot naman sa 90 pamilya ang nawalan ng tirahan dahil sa sunog.
Patuloy na inaalam ng mga otoridad ang sanhi ng sunog at halaga ng idinulot nitong pinsala.