Dalawang pulis ang nasawi habang dalawang kabaro nila ang nasugatan matapos sumiklab ang sunog sa loob ng Kampo Crame kahapon ng madaling araw.
Batay sa ulat na ipinadala kay Philippine National Police (PNP) Chief P/Gen. Debold Sinas, nagsimula ang sunog sa Logistics Support Service (LSS) alas dos y medya ng umaga at naapula rin matapos ang kalahating oras.
Kinilala ang dalawang nasawing pulis na sina P/Msgt. Amado Ormillon Jr ng base fire station ng headquarters support service at Pssgt. Nichol Jamosjos ng PNP Special Action Force (SAF) na kapwa nakuryente.
Nakaligtas naman sa sunog sina P/Capt. Victorioso Yulde na miyembro rin ng SAF at Pssgt. Jesus Apil ng Directorate for Personnel and Records Management (DPRM).
Nagawa pang isugod sa PNP General Hospital na nasa loob din ng kampo ang apat na biktima subalit hindi nakaligtas sina Ormillon at Jamosjos habang nasa ligtas naman nang kalagayan sina Yulde at Apil.
Kinilala PNP Headquarters Support Service sa Kampo Crame ang mga nasawi na sina P/SSgt. Nichol Jamosjos ng Special Action Force o SAF at si P/MSgt. Amado Ormillon Jr ng Base Fire Section ng HSS | via @jaymarkdagala https://t.co/F1uZ4Wgq5G pic.twitter.com/Z065zy4KpY
— DWIZ Newscenter (@dwiz882) January 8, 2021