Dalawang sunog ang sumiklab sa magkahiwalay na lugar sa Maynila.
Ayon sa mga tauhan ng Manila Disaster Risk Reduction and Management Office (MDRRMO), unang naitala ang sunog sa bahagi ng Villafojas street sa Tondo, Maynila alas-4:26 ng hapon.
Umabot sa unang alarma ang sunog na tumagal ng mahigit isang oras bago idineklarang fire under control alas-5:43 ng hapon.
Samantala, isa pang sunog ang sumiklab sa Dagonoy street, barangay 773 sa San Andres Bukid, Maynila na umabot sa ikalawang alarma.
Nagsimula ang sunog alas-5:08 ng hapon bago idineklarang fire under control alas-6:26 ng gabi.
Patuloy pang nagsasagawa ng imbestigasyon ang mga otoridad para alamin ang dahilan ng sunog sa nabanggit na lugar.