(Updated)
Dalawang malaking sunog sa Metro Manila ang nirespondehan ng mga tauhan ng BFP o Bureau of Fire Protection kaninang umaga.
Sa Maynila, umabot sa general alarm ang sunog sa kahabaan ng Recto na sakop ng Quiapo sa lungsod ng Maynila.
Dahil sa nasabing sunog, nawalan ng tahanan ang 1,000 pamilya at napilitan ang MPD o Manila Police District na ilikas ang mga preso sa seldang malapit sa nasusunog na lugar.
Pumapalo sa P5 milyong piso ang kabuuang danyos ng nasabing sunog.
Samantala, nilamon naman ng apoy ang 14th Floor ng Aurora Tower sa Brgy. Socorro sa Cubao sa Quezon City.
Hirap ang mga bumbero apulahin ang nasabing sunog dahil sa taas ng lugar.
By Judith Larino | Aya Yupangco (Patrol 5)
*Photos from: @kristinfernando @ubeltmanila (Sunog sa Recto, Maynila)