Umabot sa ikalawang alarma matapos lamunin ng apoy ang nasa 25 bahay sa Purok 7B, Sitio Ilaya sa Alabang, Muntinlupa City.
Sumiklab ang sunog alas-7:30 kagabi kung saan, tumagal ng halos dalawang oras ang apoy bago tuluyang naapula ng mga bumbero.
Wala namang naiulat na nasawi o nasugatan matapos ang insidente pero patuloy pang inaalam ng mga otoridad kung ano ang dahilan at kung magkano ang danyos sa naganap na sunog. — sa panulat ni Angelica Doctolero