TInatayang mahigit 100 pamilya o katumbas ng 450 indibidwal ang nawalan ng tirahan sa sumiklab na sunog sa Barrio Bisaya, Barangay Alabang, Muntinlupa City.
Ayon kay Muntinlupa Fire Supt. Roberto Samillano, nagsimula ang sunog bandang alas-8:20 ng umaga na umabot sa ika-apat na alarma.
Idineklara itong fire out dakong alas-11:0 ng umaga.
Samantala, nilamon naman ng apoy ang isang bodega na may nakaimbak na langis, krudo, at pintura sa Brgy. Dela Paz, Pasig City na umabot sa ika-apat na alarma.
Inaalam pa ang sanhi ng pagsiklab ng apoy, gayundin ang halaga ng napinsalang ari-arian sa mga naturang sunog.