Isang residential area ang nasunog sa Sitio Pingkian 2, Barangay Pasong Tamo, Quezon City kung saan, 45 pamilya ang nawalan ng tirahan.
Ayon sa Bureau of Fire Protection-Public Information Office (BFP-PIO), umakyat sa ikalawang alarma ang sunog bago idineklarang fire under control.
Aabot sa P30K ang inisyal na pinsala sa nasunog na ari-arian kung saan, malungkot ang pagsalubong ng bagong taon ng mga residenteng nawalan ng tirahan.
Wala namang naitalang sugatan o nasawi sa naturang insidente pero patuloy pang iniimbestigahan ng mga otoridad ang dahilan ng sunog. —sa panulat ni Angelica Doctolero