Nasa 400 pamilya ang nawalan ng tirahan makaraang lamunin ng apoy sa Sta. Mesa, Maynila.
Pasado alas-10 kagabi nang sumiklab ang sunog sa Valencia Street.
Ayon kay Fire Senior Supt. Crosbee Gumowang, Director ng Manila Fire District Office, nagsimulang kumalat ang apoy sa bahay ng isang Raniel Urbano at mabilis na nadamay ang mga katabing-bahay na gawa sa light materials.
Umakyat sa ikatlong ilarma ang sunog bago tuluyang naapula dakong alas- 12:40 kaninang madaling araw.
Wala namang nasaktan habang tinatayang kalahating milyong piso ang halaga ng mga naabo o napinsalang ari-arian.
Inaalam na ng Manila Fire District Office ang sanhi ng sunog.