Sumampa na sa anim (6) ang nasawi habang apat (4) ang sugatan sa sumiklab na sunog sa isang residential area sa Tondo, Maynila, dakong alas-6:37 kaninang umga ng Huwebes.
Ito ay batay sa pinakahuling tala ni Manila Disaster and Risk Reduction Management Office (MDRRMO) Director Arnel Angeles, sa gitna ito ng mahigpit na ipinatutupad na enhanced community quarantine sa Luzon dahil sa banta ng coronavirus disease 2019 (COVID-19).
Sumiklab ang sunog na tumupok sa maraming kabahayan sa bahagi ng Tioco Street corner Herbosa Street sa Tondo na kung tawagin ng mga residente ay “Tondominium”.
Kabilang sa mga nasawi ay magkapatid na menor-de-edad, isang 40-taong gulang na residente at isang senior citizen.
Samantala, idineklara namang fire-out ang sunog na umabot sa unang alarma dakong alas-7:52 kaninang umaga.
Pansamantala namang mananatili sa isang covered court sa lugar ang mga residenteng nasunugan. —ulat mula kay Aya Yupangco (Patrol 5)
This is a developing story. Please refresh page for updates.