Isang sunog ang sumiklab sa Tondo, Maynila kaninang madaling araw.
Batay sa ulat, nag-umpisa ang sunog dakong alas tres ng madaling araw sa isang residential area sa kanto ng Aguilar Street at Masangkay Street.
Limang pamilya na naninirahan sa gilid ng estero ang naapektuhan ng sunog at sinasabing apat na pamilya rin na naninirahan sa warehouse ang nadamay.
Kabilang rin sa naapektuhan ng sunog ang isang warehouse na mayroong mga produkto na ibinebenta sa online.
Tinatayang hindi bababa sa isang milyong piso ang halaga ng mga ari-ariang tinupok ng apoy.