Nilamon ng apoy ang gusali ng Tulay ng Kabataan Foundation sa Quezon City.
Nagsimula ang sunog pasado ala-5:00 kaninang umaga sa panulukan ng K-H at K-7th Street, West Kamias Road.
Mahigit kalahating oras lamang tumagal ang sunog dahil mabilis namang nakaresponde ang mga pamatay sunog.
Sa nasabing gusali kinakalinga ang mga kabataang inabandona o hindi na kayang alagaan ng kanilang mga magulang.
Wala namang naitalang nasaktan sa nasabing insidente.
By Jaymark Dagala