Sinagot ng aktres at dating misis ni Cesar Montano na si Sunshine Cruz ang pang-aalaska sakanya ng isang netizen.
Ito’y matapos sabihan umano ang aktres ng lola sa isang comment section sa kanyang instagram account.
Binanatan naman ni Sunshine ang negatibong komento nito na proud ito sa kanyang edad lalo’t siya ay malusog at masaya.
Kasabay nito ay hinikayat ni Sunshine ang kanyang followers na huwag sanang gamitin ang salitang matanda para makapanakit ng kapwa dahil katunayan aniya, ang pagtanda ay maituturing na biyaya sa nakararami.