Sinagot ng aktres na si Sunshine Cruz ang mga netizen pinuna ang kaniyang istilo ng pananamit.
Komento kasi ng mga basher, parang ‘teenager’ daw kasi kung manamit si Sunshin at hindi na akma sa kaniyang edad.
Say ng 44-year old na aktres, walang bawal at masama pagsusuot ng mga damit na nakakapagbigay sayo ng confidence.
Aniya, sa halip na maghilahan pababa, dapat ang mga kapwa niya pa babae ang nagtutulungan para pare-parehas silang umangat sa lipunan.
Payo pa nito sa mga kababaihan, “Wear clothes that make you happy and feel pretty. That’s all that matters.”
Matatandaang isa si Sunshine sa tinaguriang ageless beauties sa mundo ng showbiz. – sa panulat ni Abie Aliño-Angeles