Kumpirmadong lumipat na sa Kapamilya network ang award-winning actress na si Sunshine Dizon.
Ito’y matapos mabatid na ang 37 taong gulang na aktres ay kasama sa mga cast members ng bagong ABS-CBN series na pinamagatang “Marry Me, Marry You”.
Matatandaang noong nakaraang linggo pa lumabas ang mga espekulasyon na lilipat na ng ibang network si Dizon matapos ang 25 taon sa Kapuso network.
Makakasama naman ni Dizon sa nasabing teleserye ang iba pang mga dati ring Kapuso stars na sina Janine Gutierrez at Paulo Avelino.