Isinisi ng kampo ni Chief Justice Maria Lourdes Sereno sa naging sunud sunod na pag–atake ng kanilang mga kritiko ang pagbaba ng net satisfaction rating ng punong mahistrado.
Ayon kay Atty. Josalee Deinla, tagapagsalita ni Sereno, hindi tumitigil ang mga kritiko sa pagbatikos sa punong mahistrado lalo na nitong mga nakalipas na buwan upang tuluyan na itong mapatalsik sa pwesto.
Matatandaang sinampahan ng impeachment complaint ni Atty. Larry Gadon si Sereno dahil umano sa culpable violation of the constitution, corruption, other high crimes at betrayal of public trust.
Samantala muling nanindigan ang kampo ni Sereno na walang nagawang impeachable offense ang punong mahistrado at tuloy ang paggampan nito sa kanyang constitutional mandate ano man ang resulta ng mga survey.