Kinondena ni Vice President Jejomar Binay ang sunod-sunod na pagpaslang sa mga hukom sa bansa.
Ito’y kasunod ng pagpatay kay Judge Reynaldo Espinar ng Municipal Circuit Trial Court sa Laoang, Northern Samar na pinagbabaril sa loob ng isang sabungan sa nasabing lugar.
Ayon kay Binay, hindi katanggap-tanggap ang mga pag-atake sa hudikatura kaya’t marapat lamang na bilisan ang imbestigasyon sa mga naturang kaso upang mapanagot ang mga salarin.
By Jelbert Perdez | Allan Francisco