Maagang naghanda si Heart Evangelista para sa State of the Nation Address o SONA.
Sinamahan ni Heart ang mister na si Senador Chiz Escudero sa pagbubukas ng Senado.
Suot ni Heart ang isang klasikong white Filipiniana na gawa ni Mark Bumgarner.
Senator Chiz Escudero and his wife Heart Evangelista. pic.twitter.com/sRPsaVR4Il
— DWIZ Newscenter (@dwiz882) July 23, 2018
Hindi naman pahuhuli sa fashion si Jinkee, ang maybahay ni Senador Manny Pacquiao.
Filipiniana pantsuit ang suot ni Jinkee na ka-holding hands pa ng kanyang asawa habang papasok sa Senado.
Sen Manny Pacquiao & Jinky Pacquiao ,Sen Grace Poe & Niel Llamanzares @dwiz882 pic.twitter.com/KUtunwGR81
— Cely O. Bueno (@OBueno) July 23, 2018
Simpleng terno naman ang suot ni Senador Grace Poe na kasama rin ang asawang si Neil samantalang isang simpleng Filipiniana rin ang suot ni Audrey na asawa ni Senador Migz Zubiri.
Senator Migz Zubiri with wife Audrey #SONA2018 | via @blcb pic.twitter.com/PoQd99APJO
— DWIZ Newscenter (@dwiz882) July 23, 2018
Samantala, ang laging inaantabayan tuwing SONA na si Senador Nancy Binay ay nakasuot ng baby blue Filipiniana gown na gawa ni Randy Ortiz.
— cely bueno (@blcb) July 23, 2018
—-