Hindi pa naisisilbi ng pambansang pulisya sa grupo ni Supt. Marvin Marcos ang suspension order sa kanila kaugnay sa kinahaharap nilang kasong administratibo bunsod ng pagpatay kay dating Albuera Mayor Rolando Espinosa sr.
Ito ang nilinaw ni PNP Chief Dir/Gen. Ronald Bato Dela Rosa dahil sa may nakabinbin pang Motion for Reconsideration sa Korte ang kampo ni Marcos at ng 19 na iba pang pulis.
Batay sa nilagdaang rekumendasyon ng PNP Chief, pinapatawan ng 4 na buwang suspensyon si Marcos habang demotion naman ng isang ranggo para sa kaniyang mga kapwa akusado sa krimen.
Ngunit pagtitiyak ni Dela Rosa, kanilang ipatutuapad ang nasabing kautusan sakaling ibasura ng Korte ang inihaing mosyon ng mga akusado.
By: Jaymark Dagala
Supensyon laban kina Supt. Marcos hindi pa umano naisisilbi was last modified: July 18th, 2017 by DWIZ 882