Wala ng atrasan bukas ang tinaguriang “super bigtime” oil price hike na pinakamalaki sa mga nakalipas na taon.
Bagaman bumababa na ang presyo ng langis sa world market sa huling dalawang araw, maglalaro pa rin sa 11 pesos 80 centavos hanggang 12 pesos ang taas-presyo ng diesel.
Aabot naman sa 7 pesos ang dagdag presyo sa kada litro ng gasoline habang 9 pesos 70 centavos hanggang 9 pesos 80 centavos sa kerosene.
Dahil pa rin ito sa sigalot sa pagitan ng Russia at Ukraine.
Aminado naman ang mga taga-oil industry na patuloy ang pagbaba ng presyo ng langis sa world market na kung hindi mauudlot, maaaring magkaroon ng rollback sa mga susunod na linggo.
Una nang umapela ang Department of Energy (DOE) sa mga oil company na utay-utayin ang taas-presyo subalit wala pang tugon ang mga naturang kumpanya.