Inaasahang magiging kontrolado na ni incoming President Rodrigo Duterte ang mababang kapulungan ng Kongreso.
Ito’y makaraang makipagpulong sa kanya ang mga pinuno ng malalaking partido sa bansa sa DPWH Compound sa Barangay Panacan sa Davao City.
Ayon kay incoming House Speaker Pantaleon ‘Bebot’ Alvarez, tinatayang nasa 200 mambabatas na ang nagpahayag ng suporta sa kanyang speakership sa Kamara.
Kabilang sa mga dumalo sa pulong kahapon si House Speaker Feliciano Belmonte kung saan, nilinaw nito na batid ng Pangulong Benigno Aquino III ang paglipat ng ilang miyembro ng liberal party sa PDP Laban na siyang partido naman ni Duterte.
Sinabi rin ni Belmonte na hindi hahadlangan ng Pangulong Aquino ang nilulutong super majority sa Kongreso para maisulong ang mga repormang nais ipatupad ng susunod na administrasyon.
By Jaymark Dagala
Photo Credit: news.abs-cbn.com