May nanalo na ng P63M premyo sa Super Lotto 6/49.
Ito ay isang 79-anyos na retiradong factory workers na nagmula sa Valenzuela City.
Nahulaan ng manlalaro ang anim na winning combination number na 5-42-40-3-25-35, na may kabuuang P63,013,007.40 na premyo na lumabas noong November 27.
Kahapon, kinuha ng maswerteng winner ang tseke sa Central Office ng Philippine Charity Sweepstakes Office sa Mandaluyong City.
Ayon sa lucky winner, 27 taon na siyang tumataya sa Lotto.
Gagamitin naman niya ang napanalunan para magtayo ng sariling negosyo para sa kaniyang tatlong anak.