Tiwala si Senador Vicente Sotto lll na magiging matatag ang binuo nilang super majority sa senado.
Umaasa si Sotto na madaragdagan pa ang 14 na senador na lumagda sa kanilang kasunduan at resolusyon na bumuo sa super majority.
Hindi pa anya nila nakakausap sina incoming Senator Joel Villanueva at Manny Pacquiao dahil wala sila sa Metro Manila.
Sinisikap ni Sotto na makausap si Senator Allan Peter Cayetano upang mahikayat ang senador at ang grupo nito na lumahok sa super majority.
Death penalty
Kukonsulta agad sa Korte Suprema ang senado hinggil sa pagpapanumbalik ng death penalty.
Ito ang nakikitang scenario ni Senador Tito Sotto sa pagbubukas ng 17th Congress sa Hunyo at sa harap ng mainit na debate kung dapat o hindi dapat ibalik ang parusang kamatayan.
Isa anya sa nakikita niyang problema ay kung ano ba ang napakatinding dahilan para ibalik ang parusang kamatayan.
Nasasaad anya sa konstitusyon na dapat ay makatao ang paraan ng pagpatay sa ilalim ng death penalty law at dapat ay mayroong matinding dahilan para ipatupad ito.
By Len Aguirre | Cely Bueno (Patrol 19)