Masasaksihan sa bansa bukas ng gabi ang tinatawag na super moon o ang paglapit ng buwan sa mundo.
Ayon sa PAGASA, mas lalong malaki at mas maliwanag ang masisilayang buwan dakong ala 7:21 hanggang sa sumapit ang full moon ganap na alas 9:52 ng gabi.
Sinasabi ng mga eksperto na ang makikitang super moon bukas ay ang isa sa pinakamalapit na distansya sa mundo mula nuong 1948.
Dahil dito, hinimok ng mga siyentipiko ang publiko na saksihan ang paglabas ng super moon dahil sa tinatayang sa 2034 pa ito muling masisilayan.
By: Jaymark Dagala