Nakalabas na ng Philippine Area of Responsibility (PAR) ang Super Typhoon Josie matapos manatili sa loob ng bansa simula kahapon.
As of 4am kanina, huling namataan ang Bagyong Josie na may International name na Nanmadol sa layong 1,315 kilometers silangan hilagang-silangan ng Extreme Northern Luzon.
Taglay na nito ang lakas ng hanging aabot sa 195 kilometers per hour o km/h malapit sa gitna at pagbugsong aabot sa 240 km/h.
Kumikilos ito pahilagang kanluran sa bilis na 20 km/h.
Bagaman wala nang direktang epekto sa ating bansa ang bagyo, habagat naman ang makakaapekto sa Palawan, Occidental Mindoro, Romblon, Aklan, Antique, at Negros Occidental.
Uulanin din ang Metro Manila at nalalabing bahagi ng bansa pero dulot ito ng pinagsamang Habagat at localized thunderstorm.