Lumakas pa ang Super Typhoon Karding habang kumikilos pa kanluran ng hilagang bahagi ng Quezon.
Ang sentro ng Bagyong Karding ay huling namataan sa layong 175 kilometro ng silangan ng Infanta, Quezon.
Taglay ng Bagyong Karding ang pinakamalakas na hanging umaabot sa 195 kilometro kada oras malapit sa gitna at may pagbugso na aabot sa 240 kilometro kada oras.
Ang Super Typhoon Karding ay kumikilos pakanluran sa bilis na 20 kilometro kada oras.
Itinaas naman ang Signal no. 5 sa Polilio Islands at nothern portion ng Quezon.
Nasa Signal no. 4 ang Calaguas Islands, southern portion ng Aurora, northern portion ng Quezon, rest of Infanta, Real, southeastern portion ng Nueva Ecija, eastern at central portions ng Bulacan, northeastern portion ng Rizal at northern portion ng Laguna.
Nasa Signal no. 3 naman ang central portion ng Aurora southeastern portion ng Nueva Vizcaya, rest of Nueva Ecija, Tarlac, Bulacan, Pampanga, Zambales, Bataan, Pangasinan, Metro Manila, rest of Rizal, northern at central portions ng Laguna, northeastern portion ng Cavite, northern portion ng Quezon at northern portion of Camarines Norte.
Isinailalim naman sa Signal no. 2 ang southern portion ng Isabela Quirino, rest of Nueva Vizcaya, Benguet, La Union, Rest of Aurora, rest of Cavite, Batangas, rest of Laguna, central portions ng the rest of Camarines Norte, northern portion ng Camarines Sur at Catanduanes.
Habang nasa ilalim ng Signal no. 1 ang southern portion ng Cagayan, rest of Isabela, southern portion ng Apayao , Kalinga, Abra, Mountain Province, Ifugao, southern portion ng Ilocos Norte, Ilocos Sur, rest of Quezon, northern portion ng Occidental Mindoro, northern portion ng Oriental Mindoro, Marinduque, rest of Camarines Sur, Albay, Sorsogon, Burias Island at Ticao Island.
Inaasahan namang maglalandfall ang nasabing bagyo sa northern part ng Quezon o southern part ng Aurora mamayang gabi.
Patuloy naman na pinag-iingat ang mga maaapektuhang residente ng naturang bagyo.