Naglandfall na si super typhoon Rolly sa bisinidad ng Bato, Catanduanes.
Ayon sa PAGASA, ganap na alas 4:50 ng madaling araw kanina ng tumama ang sentro ng super typhoon sa nabanggit na lugar.
Base sa inilabas na weather bulletin ng PAGASA, as of 5AM, nakataas na ang signal no.5 sa Catanduanes, Albay, at eastern portion Camarines Sur na kinabibilangan ng Caramoan, Presentacion, Garchitorena, Lagonoy, Tinambac, Calabanga, Siruma, Tigaon, Bombon, Magarao, Camaligan, Gainza, Canaman, Milaor, Naga City, Minalabac, Balatan, Bula, Pili, Ocampo, Goa, San Jose, Sagnay, Buhi, Iriga City, Baao, Nabua at Bato.
Inaasahan naman na matapos ang pagtama ni super typhoon sa Bato, Catanduanes tatahak naman patungo sa Lagonoy Gulf at muling magla-landfall ngayong umaga sa southern portion ng Camarines Sur o northern portion ng Albay.
Sa pagtaya ng PAGASA, dakong tanghali ngayong araw ay mararamdaman na ang hagupit ni Rolly sa mga lugar na sakop ng CALABARZON.
Sa monitoring ng PAGASA, namataan ang sentro ni super typhoon Rolly, 65 km, east northeast ng Virac, Catanduanes na may lakas ng hangin na 225 km/h at pagbugsong aabot sa 280 km/h.
Kumikilos si Rolly, sa direksyong west-southwestward na may pagkilos lamang na 25 km/h.