Itatatag ang isang superbody na direktang pamumunuan ni Pangulong Rodrigo Duterte para tututok sa pagsasaaayos ng matinding trapiko sa Metro Manila at iba pang syudad sa bansa.
Base ito sa panukalang batas na inihain ni House Speaker Pantaleon Alvarez na naglalayong mabigyan ng emergency power si Pangulong Digong sa loob ng dalawang taon.
Ayon kay Alvarez, kasama rin sa ipagkakaloob na emergency power ang pag-reorganize, merge o abolish ng ahensya sa ilalim ng superbody.
Kabilang dito ay ang Department of Transportation, Land Transportation Office, Land Franchising and Regulatory Board, Metro Manila Development Authority, Toll Regulatory Board, Civil Aviation Board at Civil Aviation Authority of the Philippines.
Pormal nang humirit si Pangulong Duterte ng emergency power sa Kongreso kahapon sa kanyang SONA.
By Rianne Briones