Hindi pa ligtas sa kasong kriminal si Superintendent Marvin Marcos.
Paliwanag ni PNP o Philippine National Police Spokesman Chief Supt. Dionardo Carlos, nakabinbin pa sa korte ang kasong homicide laban kay Marcos at sa mga tauhan nito.
Ito’y kaugnay ng pagkamatay ni dating Albuera, Leyte Mayor Rolando Espinosa Sr. at isa pang inmate na si Raul Yap sa naganap na pagsalakay sa Baybay City Sub-Provincial Jail noong Nobyembre ng nakaraang taon.
Magugunitang si Marcos at mga tauhan nito ay naabswelto na sa internal affairs service ng PNP kaya’t ipinag-utos ni Pangulong Duterte na ibalik muli sila sa serbisyo.
Kasunod nito, si Marcos ay itinalagang bagong hepe ng Criminal Investigation and Detection Group o CIDG Region 12, kasama ang labing-walo (18) pa nitong tauhan.
By Jelbert Perdez
Superintendent Marcos hindi pa ligtas sa kasong kriminal was last modified: July 15th, 2017 by DWIZ 882