Sa pambihirang pagkakataon, sabay na makikita ang 2 natural phenomenon na supermoon at total lunar eclipse mamayang gabi hanggang bukas ng umaga.
Pero ayon sa Philippine Atmospheric Geophysical and Astronomical Services Administration PAG-ASA astronomical observatory, hindi ito direktang masisilayan sa Pilipinas dahil makikita lamang ito ng mga bansang na itaas na bahagi ng daigdig.
Ayon sa National Aeronatics and Space Administration o NASA, ang supermoon ay ang paglapit ng buwan sa mundo kung saan nakikita ito na tatlumpung porsyentong mas malaki kaysa sa normal nitong laki gabi-gabi.
Habang ang total lunar eclipse naman ay ang pagtakip ng anino ng mundo sa sinag ng araw na siyang tumatama sa buwan.
Huling nasaksihan ang ganitong natural phenomenon noong 1982, habang mauulit namn ito sa taong 2033.
By: Jonathan Andal